MANILA, Philippines — Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Glenda” ngunit isa na namang sama ng panahon ang papalapit sa bansa, ayon state weather bureau ngayong Huwebes.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) si Glenda sa 480 kilometro kanluran ng Dagupan City kaninang alas-8 ng umaga.
Isang low pressure area naman (LPA) ang namumuo sa karagatang Pasipiko na nasa 940 kilometro silangan ng hilagang Mindanao.
Tinatayang papasok ng PAR ang LPA sa loob ng 24 oras, ayon sa PAGASA.
Samantala, makararanas ng paminsan-minsang ulan ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at mga lalawigan ng Mindoro, Palawan, La Union, Benguet, at Pangasinan.
Sa huling pagtatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nasa 38 na katao ang iniwang patay ni Glenda na pinuruhan ang Bicol region.
Si Glenda ang pampitong bagyong dumaan sa bansa ngayon taon, kung saan hindi bababa sa 20 bagyo ang inaasahan ng PAGASA.