PNoy: SC pinaralisa ang pag-lago ng ekonomiya
MANILA, Philippines — Muling binanatan ni Pangulong Benigno Aquino III ang deklarasyon ng Korte Suprema sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).
Dinepensahan ni Aquino ang DAP na idineklara ng mataas na hukuman na hindi naaayon sa Saligang Batas.
Inilunsad ang DAP noong 2011 upang pondohan ang ilang proyekto ng gobyerno at para mapabilis ang pag-usbong ng ekonomiya.
Kaugnay na balita: PNoy ayaw makipagbanggaan sa SC – Malacañang
Ngunit sa desisyon ng korte ay sinabi ni Aquino na babagal ang pag-angat ng ekonomiya.
"It condemns us to a spiral of inefficiency, uncertainty, and lack of confidence," wika ni Aquino ngayong Martes.
"Unfortunately, the effects of the Supreme Court decision run the risk of putting our country’s development in a state of paralysis—or worse, reversing the massive progress we have already made."
Kaugnay na balita: Listahan ng proyekto ng DAP inilabas
Inamin ni Aquino na pinatigil na muna niya ang mga programa na pinopondohan ng DAP kabilang ang mga pagpapagawa ng mga impastraktura.
Sa huli ay hindi pa rin matanggap ni Aquino ang desisyon ng korte.
"I find it difficult to accept the decision of the Supreme Court, when it goes against the benefit of our countrymen," sabi ng Pangulo.
- Latest