Listahan ng proyekto ng DAP inilabas

MANILA, Philippines —  Inilabas na ng Malakanyang ang listahan ng mga proyektong pinaggamitan ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) kasunod nang talumpati ng Pangulo kagabi.

Nakasaad sa listahan na mayroong 116 proyeko ang pinaggamitan ng DAP, kung saan nagkakahalaga ito ng P167.061 bilyon, ngunit tanging P144.378 bilyon lamang ang nailabas na pera.

Kabilang sa listahan ang mga proyektong ipinatupad sa pagitan ng Oktubre 2011 at Hunyo 2013.

Kaugnay na balita: PNoy sa SC: 'Tulungan n'yo kaming tulungan ang taumbayan'

Inilunsad ang DAP noong 2011 upang mapalakas ang ekonomiya sa paglaan ng mga sobrang pondo sa mga proyektong nangangailangan nito.

Nitong nakaraang linggo ay idineklara ng Korte Suprema na hindi naaayon sa Saligang Batas ang ilang parte ng naturang programa.

Kahapon ay ipinagtanggol ni Aquino ang DAP at sinabing wala silang ginawang ilegal at nakinabang ang publiko sa programa.

Show comments