Electrician tinarakan ng kuya

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang electrician makaraang saksakin ng kanyang kuya matapos ang pagtatalo sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Si Flor Velasco, 33, ay patuloy na inoobserbahan ngayon sa ospital dahil sa tinamong isang saksak sa dibdib, ayon kay PO2 Gilmer Marinas.

Pinaghahanap naman ng tropa ng Quezon City Police District Station 6, ang suspect na kuya na si Solomon Trese Velasco, 44, na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.

Nangyari ang insidente sa mismong bahay na tinutuluyan ng dalawa sa Andrew St., Brgy. Holy Spirit, ganap na alas- 9 ng gabi.

Bago ito, nag-iinuman umano ang magkapatid sa lugar nang sa kalagitnaan ng kasayahan at kapwa malasing ay biglang nagtalo sa hindi mabatid na kadahilanan.

Sa gitna ng pagtatalo, nagbunot ng patalim si Solomon at inundayan ng saksak ang utol saka mabilis na tumakas. Habang ang biktima naman ay isinugod ng kapitbahay sa East Avenue Medical Center kung saan ito inoobserbahan.

 

Show comments