Davao Occidental, niyanig ng 6.1 magnitude na lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon ng alas- 3:59 ng hapon. Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 88 kilometro sa timog sila­ngan ng Don Marcelino, Davao Occidental.

Ang lindol ay may  lalim ng lupa na 10 kilo­metro at tectonic ang origin nito. Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol  na umaabot sa intensity 2 sa General Santos at Davao City at intensity I naman sa M’lang, North Cotabato. Wala namang naiulat na napinsala ang naturang pagyanig at wala ring aftershocks.

 

Show comments