Davao Occidental, niyanig ng 6.1 magnitude na lindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon ng alas- 3:59 ng hapon. Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 88 kilometro sa timog silangan ng Don Marcelino, Davao Occidental.
Ang lindol ay may lalim ng lupa na 10 kilometro at tectonic ang origin nito. Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol na umaabot sa intensity 2 sa General Santos at Davao City at intensity I naman sa M’lang, North Cotabato. Wala namang naiulat na napinsala ang naturang pagyanig at wala ring aftershocks.
- Latest