MANILA, Philippines — Patuloy ang paglakas ng bagyong "Glenda" habang tinutumbok nito ang bahagi ng Bicol at Quezon, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 750 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes kaninang alas-4 ng umaga.
Taglay ni Glenda ang lakas na 80 kliometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 95 kph.
Nakataas ang public storm warning signal no. 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Northern Samar.
Tinatayang mananalasa ang bagyo sa Luzon ngayong Linggo.
Gumagalaw sa bilis na 30 kph ang pampitong bagyo ngayong taon at inaasahang nasa 280 kilometro silangan ito ng Virac, Catanduanes bukas.
Sa Miyerkules ay lalapit ito sa 60 kilometro silangan ng Infanta, Quezon bago daanan ang 250 hilaga-kanluran ng Iba, Zambales sa Huwebes.