^

Bansa

Enrile isinailalim uli sa eye check-up

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling isinailalim sa eye check-up si Sen. Juan Ponce Enrile sa Asian Eye Institute sa Makati City nitong Sabado ng umaga.

Si Enrile ay isinakay sa ambulansya ng PNP Gene­ral Hospital patungong Asian Eye Institute sa Rockwell, Makati City bandang alas-6 ng umaga.

Ayon kay Chief Supt. Alejandro Advincula, Director ng PNP Health Service, tumagal lamang ng 30 minuto ang check-up sa mata ni Enrile bago ito ibinalik sa pansamantala niyang ‘hospital detention’ sa PNP General Hospital pasado alas-8 ng umaga.

Sinabi ni Advincula na bagaman mayroon namang mga espesyalistang doktor sa mata o Opthalmologist ang PNP hospital ay wala itong pasilidad para sa maselang problema sa mata ng 90 anyos na senador.

Nabatid na nagtataglay si Enrile ng ‘macular degeneration” na sakit sa mata bunga ng katandaan na maaring ikabulag nito kung hindi gagamutin at aagapan.

Nitong Hulyo 5 at 6 o isang araw matapos sumuko sa PNP si Enrile ay sumailalim na ito sa ‘eye injection’ sa nasabing pagamutan at kahapon ay isinagawa naman ang follow-up check up para rito. Ang senador ay dalawang beses isang linggo kung isailalim sa ‘eye checkup”.

ALEJANDRO ADVINCULA

ASIAN EYE INSTITUTE

CHIEF SUPT

ENRILE

GENERAL HOSPITAL

HEALTH SERVICE

JUAN PONCE ENRILE

MAKATI CITY

NITONG HULYO

SI ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with