MANILA, Philippines - Ipinatutupad na ang total deployment ban para sa mga manggagawang Pinoy sa South Sudan.
Ayon sa DFA, nananatili ang crisis alert level 3 sa South Sudan at pinapayuhan ang lahat ng Pinoy na huwag bumiyahe o tumungo roon. Ipinagbabawal din ang mga overseas Filipino workers na magtrabaho sa naturang bansa.
Ang alert level 3 o voluntary phase ay minamantine sa nasabing bansa dahil na rin sa pagtaas ng tensyon doon.
Sa ilalim ng alert level 3, mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Labor and Employment na magtrabaho sa South Sudan ang mga OFWs. Patuloy na nananawagan ang DFA sa mga Pinoy sa nasabing rehiyon na boluntaryong lumikas.