^

Bansa

Abad ipapatawag sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipapatawag ng Senate Committee on Finance si Budget Sec. Butch Abad upang pagpaliwanagin tungkol sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, chairman ng komite, papaharapin sa imbestigasyon si Abad sa Hulyo 21.

Nilinaw ni Escudero na ipagpapatuloy lamang nila ang imbestigasyon na pansamantalang sinuspinde ng Senado bilang pagbibigay galang sa Supreme Court noong dinidinig pa ang legalidad ng DAP.

Inatasan rin ni Escudero si Abad na isumite sa komite ang kumpletong listahan ng lahat ng Special Allotment Release Orders o SARO na ipinalabas sa ilalim ng DAP kabilang na ang mga proyekto, purposes at kung magkano ang inilabas na pondo.

Nais din ni Escudero na linawin ni Abad kung bakit hindi nagta-tally ang ulat na ang kabuuang pondo ng DAP ay P327 bilyon gayong P200 bilyon lamang ang kabuuan na ibinigay na report ng DBM sa komite.

Ipapatukoy rin ng komite kay Abad ang mga fund releases sa ilalim ng DAP na ayon sa Supreme Court ay labag sa Kons­titusyon.

ABAD

AYON

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

CHIZ ESCUDERO

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

SENATE COMMITTEE

SPECIAL ALLOTMENT RELEASE ORDERS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with