Look out order vs Tau Gamma inilabas
MANILA, Philippines — Naglabas na ng look out order ang Department of Justice ngayon Huwebes laban sa 17 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na nasa likod ng pagkamatay ng isang estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde.
Iniutos ng DOJ sa Bureau of Immigration na ipaalam sa kanila ang planong paglabas ng mga nasa likod ng pagkamatay ng 18-anyos na si Guillo Servando.
Nasawi si Servando sa initiation rites ng naturang fraternity nitong Sabado sa isang bahay sa Makati City.
Kaugnay na balita: Tau Gamma member ilalaglag ang mga brad
Una sa listahan sa mga babantayan ng BI si Cody Morales ang tumatayong pinuno ng chapter ng Tau Gamma
Kasama rin sa listahan sina:
Daniel Pope Bautista
Kurt Michael Almazan
Luis Arevalo
Carl Francis Loresca
Esmerson Calupas
Hans Killian Tatlonghari
Jomar Fajarito
Eleazar "Trez" Garcia
John Kevin Navoa
Vic Angelo Dy
Mark Ramos
Mike Castañeda
Tessa Dayanghirang
Yssa Valbuena
a certain Rey Jay
a certain Kiko
Nakumpira ng Immigration kahapon na nakalabas na ng bansa si Navoa bago pa ilabas ng DOJ ang kautusan.
"He was cleared for departure as there [was] no legal basis to prevent his travel," paliwanag ni Immigration Commissioner Siegred Mison.
Nakatakdang kasuhan ng National Bureau of Investigation ang mga miyembro ng Tau Gamma na nasa likod ng hazing at pagkamatay ni Servando.
- Latest