Gigi Reyes isinugod sa ospital
MANILA, Philippines — Paninikip ng dibdib, kahirapan sa paghinga at seizures ang idinaing ng abogadong si Jessica “Gigi” Reyes dahilan upang isugod sa ospital ngayong Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa mga ulat, nakaranas ng panic attacks ang dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na kasunod nang paglipat sa kanya mula sa Sandiganbayan patungong Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Dinala si Reyes sa Taguig-Pateros District Hospital bandang ala-una ng madaling araw at hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa siya nakalalabas ng ospital.
Kaugnay na balita: Erap naaawa sa 'di makataong' kalagayan ni Gigi Reyes
Wala pa rin namang inilalabas na pahayag ang direktor ng ospital na si Dr. Prudencio Sta. Lucia.
Nahaharap sa kasong plunder si Reyes dahil sa pakikipagsabwatan umano sa itinuturong pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.
- Latest