MANILA, Philippines - Nakatakdang ganapin sa Maynila sa darating na July 10-11 ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) e-Commerce Interconnect Forum sa Bayleaf Intramuros Hotel.
Tatalakayin sa pulong ang programa ng International Post Corporation’s e-Commerce Interconnect Programme (eCIP) na naglalayong ibahagi ang fully tracked, end-to-end global seamless postal delivery network for cross-border-e-Commerce sa lahat ng postal operators sa buong mundo.
Ayon kay Postmaster General Josie dela Cruz, para sa mga postal operators, malaki ang pakinabang ng e-commerce sa negosyo ng serbisyo postal at ang paghahanda ng bawat kasapi ng ASEAN para sa 2015 economic integration.
Ang Forum ay inorganisa ng International Post Corporation, isang Brussels-based group ng mga cooperating postal companies sa buong mundo.
Sa kasalukuyan, 31 mga postal operators na ang sumali sa nasabing programa tulad ng Australia, Europe, United States and New Zealand.
Tinatayang nasa 80% ng annual revenue ng ating mga international counterpart ay mula sa e-commerce, patunay na malaki ang potensyal na makapasok ang post office sa nasabing negosyo.
Tinukoy din ang ASEAN region bilang pangunahing exporting market sa trade at services, at ang postal service ang magiging major player sa e-commerce business.
Malaki pa rin ang magiging papel ng parcel services ng post office sa negosyo ng e-commerce sa kadahilanang parami ng parami ang mga taong bumibili ng paninda via online.