MANILA, Philippines - Umaapela ang United Korean Community Association in the Philippines (UKCAP) sa administrasyong Aquino na busisiin ang umano’y panggigipit at pamba-blackmail ng ilang Koreano sa kanilang kapwa Koreanong negosyante.
Sa liham ng grupo kay Immigration Commissioner Siegfred B. Mison, sinabi ni UKCAP chairman Lee Young Baek, na dapat lamang umanong imbestigahan ng mga awtoridad ang ginawang pang-aabuso kay Kang Tae Sik ng kanyang dating legal counsel.
Ayon kay Lee, hindi umano malayong mangyari din sa iba pang mga Korean businessmen ang sinapit ni Kang dahil na rin sa kawalang aksiyon ng mga awtoridad sa reklamo.
Lumilitaw na nagpalabas ng resolution ang BI board of commissioners noong Hunyo 26 kung saan pinade-deport si Kang dahil na rin sa kanyang conviction. Kinasuhan si Kang ng bouncing sa Manila Regional Trial court subalit nadismis.
Nabatid na si Kang 27 taon ng nagnenegosyo sa bansa at tumtulong din sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Yolanda.