Bail hearings nina Jinggoy, Napoles ‘di nadesisyunan

MANILA, Philippines - Hindi nadesisyunan ng Sandiganbayan ang mosyon ng kampo nina Sen. Jinggoy Estrada at Janet Napoles para makapagpiyansa matapos maubos ang oras ng magprisinta ng libong mga dokumento ang saksi sa kaso na si Atty. Vic Escalante.

Ikinagalit ng depensa kung bakit naiprisinta si Escalante sa bail hearing ng graft court na dapat sana ay busisiin ang mosyon ni Estrada at Napoles para makapagpiyansa.

Dahil sa rami ng dokumento na isa-isang minarkahan, inadjourn na ni Associate Justice Alexander Gesmundo ang bail hearing upang magkaroon ng sapat na panahon para lagyan ng markings ang lahat ng mga dokumento.

Bunga nito, sinabi ni Atty. Stephen David, abogado ni Napoles na nagmistulang delaying tactic ng graft court ang nangyari para mapahaba ang mga araw para desisyunan ang hiling na makapagpiyansa si Napoles at Estrada.

Niliwanag ni David na dapat sana ay sa trial proper na iniharap si Escalante at hindi sa panahon ng bail hearing sa graft court.

Pero nilinaw ni Gesmundo na ang nangyari ay batay pa rin sa patakaran ng korte na marinig ang testimonya ng witness na si Escalante upang madetermina kung si Estrada at Napoles ay maaaring payagan na makapagpi­yansa.

Show comments