MANILA, Philippines - May lasong taglay ang mga kapote na madalas gamitin ng mga estudyante ngayong panahon ng tag-ulan.
Natuklasan ng environmentalist group na Ecowaste coalition na nagtataglay ng iba’t ibang nakalalasong kemikal ang kapote kabilang dito ang lead o tingga batay sa ginawa nilang pagsusuri hinggil dito.
Bunga nito, pinaalalahanan ng Ecowaste ang publiko na iwasan ang pagbili ng kapoteng gawa sa polyvinyl chloride o PVC plastic dahil ito ay may taglay na ibat ibang uri ng nakalalasong kemikal lalo na ng lead.
Sinasabing ang naturang mga kapote ay kalimitang nabibili sa mga bangketa ng Divisoria at Baclaran sa halagang P100.00 pataas.
Payo ng Ecowaste na gumamit na lamang ng payong o kaya ay jacket para hindi mabasa ng ulan.