Panibagong warrant of arrest vs JPE et al, inilabas ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng panibagong warrant of arrest kahapon ang Sandiganbayan 3rd Division laban kay Senador Juan Ponce Enrile (JPE) at 25 iba pa dahil sa kasong graft and corruption.
Ayon kay Atty. Dennis Pulma, executive clerk of court ng Sandiganbayan 3rd Division, bukod kay Enrile, kabilang sa ipinaaaresto ng anti-graft court sina Atty. Gigi Reyes, na nahaharap sa 15 counts of graft, Janet Lim-Napoles, John Lim at iba pa.
Nilinaw ni Pulma na mula sa 49 na akusado sa kasong graft, 12 ang hindi binigyan ng arrest warrant dahil sa kakulangan ng ebidensya. Anya, naghain na ng kanilang piyansa ang 11 sa mga inaakusahan kaugnay ng kaso.
Matatandaan na noong Biyernes, Hulyo 4, unang naglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay Enrile, Reyes, Napoles at dalawa pa para sa kanilang kasong plunder.
- Latest