^

Bansa

DAP nilustay 5 senador iimbestigahan ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa limang Senador na posible umanong nilustay ang bahagi ng Disbursement Acce­leration Program (DAP) na inilaan sa kanila.

Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, partikular na tututukan sa nasabing pagsisiyasat ang DAP Fund na na­ilaan sa limang se­nador na hindi pa tinutukoy ang mga pangalan.

Ito ay kasunod na rin ng ulat na P475-milyon na halaga ng DAP Fund na inilaan sa ilang senador ay nalus­tay din sa pa­ma­magitan ng mga Non-Go­vernment Organization (NGO) na konektado sa itinuturong mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Una nang tinukoy ni Atty. Raji Mendoza, abogado ni Benhur Luy, na magsusumite ang kanyang kliyente ng affidavit para idetalye ang naging transaksyon ni Napoles kaugnay sa DAP Fund.

Nagawan umano ni Napoles ng paraan na maidaan ang pondo sa National Livelihood Development Corporation (NLDC) papunta sa kanyang NGO.

Matatandaang idineklara ng Korte Suprema kamakailan na unconstitutional ang paggamit ng DAP ng pamahalaan.

 

BENHUR LUY

DISBURSEMENT ACCE

JANET LIM NAPOLES

JUSTICE SEC

KORTE SUPREMA

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL LIVELIHOOD DEVELOPMENT CORPORATION

RAJI MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with