^

Bansa

Bitay kinontra

Evelyn Macairan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ng Department of Justice ang pagtutol nito sa pagbalik ng parusang bitay sa pagsasabing walang anumang nagiging positibong epekto sa pag-iwas sa krimen ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Taliwas sa paniniwalang matatakot ang mga kriminal sa pagbuhay sa parusang bitay, ipinalalagay ng DOJ na hindi makakapagpababa sa bilang ng mga krimen ang pagbalik ng parusang kamatayan.

 “Hindi katarungan ang katarungang pumapatay.  Walang epekto laban sa krimen ang pagpapatupad ng parusang bitay. Hindi rin nito nalulunasan ang sugat na dulot ng krimen sa biktima at pamilya nito,” sabi pa sa pahayag ng DOJ.

Sa kabilang dako, kinikilala ng DOJ na ang pagta­taguyod sa karapatang pantao ay mahalagang sangkap para matamo ang isang national drug control regime.

 

BITAY

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOJ

IGINIIT

KRIMEN

PARUSANG

TALIWAS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with