Cunanan ‘di pinayagang makalabas ng bansa

MANILA, Philippines - Inisnab ng Sandiganbayan Fifth Division ang mos­yon ni dating director general Dennis Cunanan ng Technology Resource Center (TRC) para makapunta ng abroad.

Nilinaw ni Fifth Division chairman Roland Jurado, tinanggihan ang mosyon ni Cunanan na makapangibang bansa dahil ito ay isang flight risk.

Si Cunanan ay akusado sa kasong graft na may kinalaman sa pork barrel scam.

Bunga nito, nananatiling nasa hold departure order list si Cunanan ng Bureau of Immigration at bawal makalabas ng bansa.

Nais sanang magpunta ni Cunanan sa Japan mula July 7 hanggang 15 at sa US mula July 20 hanggang August 3 para dumalo sa isang pagtitipon sa nabanggit na mga bansa. Nalaman ng graft court na hindi naman importante para dumalo roon si Cunanan.

Si Cunanan ay nakasama nina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Janet Napoles sa kasong graft dahilan sa umano’y paggamit sa TRC bilang conduit  sa pagitan ng mga mambabatas at pekeng foundation ni Napoles para makakuha ng kickback mula sa pork barrel ng mga mambabatas.

 

Show comments