MANILA, Philippines — Hindi pinayagan ng Sandiganbayan si dating Technology Resource Center director general Dennis Cunanan na makalabas ng bansa.
Sinabi ng 5th division ng anti-graft court na "flight risk" si Cunanan na nahaharap sa kasong graft kaugnay ng pork barrel scam.
Nakatakda sanang dumalo si Cunanan sa Junior Chamber International sa Amerika mula Hulyo 3 hanggang Agosto 4.
Bukod dito ay may biyahe rin sana si Cunanan sa Japan mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 15.
Sinubukang maging state witness ni Cunanan ngunit hindi ito pinalusot ng Office of the Ombudsman.