Ex-TRC head Cunanan, butata sa Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Nabutata sa Sandiganbayan si dating Technology Resource Center (TRC) head Dennis Cunanan nang malaman ng graft court na hindi naman pala ganon ka-importante si Cunanan sa nais nitong daluhang pagtitipon sa Japan at Amerika.

Sa ginanap na pagdinig sa motion to travel ni Cunanan, iginisa ni Sandiganbayan 1st division Associate Justice Rafael Lagos ang abogado ni Cunanan na si Atty. Reynaldo Robles nang malaman ng mahistrado na hindi naman malaking kabawasan si Cunanan kung hindi ito makakadalo sa event sa Japan mula July 7-15 at July 20 hanggang August sa US.

Sa hearing, iginiit ni Atty. Robles na kailangang dumalo si Cunanan para sa aktibidad ng Junior Chamber International sa Japan kung saan si Cunanan ay isang world secretary general at sa US naman para sa United Nation Global Partnership Summit kung saan si Cunanan ang main moderator na magde-deliver ng welcome address doon.

Dito, sinabi ni Lagos na nakita niya ang mga event ng programa at dito ay may tatlong iba pa ang magde-deliver ng welcome address

“Do you think the JCI needed an additional one (speaker) for the program?” pahayag ni Lagos.

Sinabi naman ni Robles na si Cunanan ang main moderator at over-all moderator ng programa pero sinabi ni Justice Lagos na sa nakita niya sa programa, kung moderator at over-all moderator si Cunanan sa naturang mga event dapat ay nakalagay doon ang pa­ngalan ni Cunanan na magsasalita sa programa pero wala naman anya ang pangalan doon ni Cunanan.

Bunga nito, submitted for resolution na ang usaping ito may kinalaman sa nais na pag-aabroad ni Cunanan sa naturang mga bansa. Si Cunanan ay kapwa akusado nina Sens. Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce enrile sa kasong graft na may kinalaman sa pork barrel scam.

 

Show comments