^

Bansa

Gloria, muling humirit ng piyansa

Gemma Garcia at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon ay muling naghain ng mosyon ang dating pangulo na ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo (GMA) sa Sandiganbayan para makapagpiyansa para sa kasong plunder.

Iginiit ni GMA sa  inihain nitong motion for admission to bail na mahina ang mga ebidensiya laban sa kanya, hindi siya flight risk at mayroong sakit kasama ang degenerative bone disease.

Idinahilan din sa motion ni GMA ang psychological at behavioral factors kung bakit hindi bumubuti ang  kanyang kalagayan. Dumaranas din umano si Arroyo ng depresyon at sobrang lungkot habang naka hospital arrest na siyang dahilan para magkaroon ito ng insomnia.

Naipasuri na rin umano si GMA sa psychologist na si Arnulfo Villamor Lopez at ang rekomendasyon nito ay ang payagan ang dating Pangulo na makagalaw ng Malaya, bumalik sa interactive lifestyle at sa mga dati nitong ginagawa bilang public servant na kinasanayan na ng kanyang katawan.

Hiniling din sa  mosyon ng dating Pangulo na tratuhin ito tulad ng pag trato sa ibang akusado sa PCSO plunder case na pawang napayagan ng makapag-piyansa.

ARNULFO VILLAMOR LOPEZ

DUMARANAS

GLORIA ARROYO

HINILING

IDINAHILAN

IGINIIT

NAIPASURI

PAMPANGA REP

PANGULO

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with