MANILA, Philippines — Matapos ideklara ng Korte Suprema na hindi naaayon sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP), sinabi ni Senador Miriam Defensor-Santiago na maaaring mapatalsik sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Santiago ngayong Miyerkules na lumabag si Aquino sa Saligang Batas at sa principles of accountability and responsibility.
"Theoretically, yes it is (possible for Aquino to be impeached), because it will be a violation of the Constitution, as the Supreme Court already said," pahayag ni Santiago.
Kaugnay na balita: Ilang probisyon ng DAP, unconstitutional – SC
Pero muling sinabi ng senador na hindi rin ito mangyayari dahil karamihan sa Kongreso ay mga kaalyado ng Pangulo.
"I think it is bound to fail," banggit ni Santiago ukol sa magiging kaso ni Aquino.
Sinabi ni Kabataan Partylist Representative Terry Ridon na inihahanda na nila ang mga kasong isasampa laban sa Pangulo.
Kaugnay na balita: Bayan: Aquino, Abad dapat managot sa DAP
Inilunsad ng administrasyon ang DAP noong 2011 upang mapabilis ang pag-usbong ng ekonomiya sa paggamit ng mga sobrang pondo ng ibang ahensya ng gobyerno.
"The DAP is not theft. Theft is illegal. Spending through DAP is clearly allowed by the Constitution and by other laws. DAP is only a name for a process in which government can spend both savings and new and additional revenues," sabi ni Aquino nitong nakaraang taon matapos pumutok ang isyu ng DAP.