^

Bansa

Iregularidad sa importasyon ng bawang, sibuyas nabunyag

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabunyag kahapon sa Kamara ang iba’t ibang iregulariad sa importasyon ng bawang at sibuyas na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga ito sa pamilihan.

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, sa kanilang paggigisa sa importers, lumalabas na P40 kada kilo ang bili ng importers sa angkat na bawang subalit P50-P60 kada kilo ang pasa nito sa mga traders at kapag ibinagsak na sa mga pamilihan ay P250 kada kilo na ito.

Dahil sa ganitong pag-abuso, umabot pa umano ng P4 bilyon ang kinita ng mga importers at traders ng bawang at sibuyas noong nakaraang taon.

Sinabi pa ni Evardone na inamin din ng isang kinatawan ng traders sa pagdinig na may nangyayaring bentahan ng import permit na iniisyu ng Bureau of Plant industry (BPI).

Ang BPI ay nagbibigay ng import permit sa mga organisasyon ng magsasaka at ito umano ay ibinebenta naman sa mga traders sa halagang P150,000 kaya lumalabas na malaki ang patong sa presyo ng angkat na bawang at sibuyas kaya mataas na ang presyo nito pagda­ting sa pamilihan.

Dahil dito kaya iginiit ni Evardone na dapat bilisan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa nasa­bing anomalya upang makasuhan na ng plunder at economic sabotage ang mga sangkot dito.

Hinikayat din ng kongre­sista na magsagawa pa ng mas malalim na imbestigasyon ang Kamara sa patuloy na pagtaas ng agricultural products dahil mas importanteng isyu ito dahil malapit ito sa sikmura ng mga Filipino kumpara sa usapin ng Disbursement Accele­ration Program (DAP) at pork barrel scam.

BEN EVARDONE

BUREAU OF PLANT

DAHIL

DISBURSEMENT ACCELE

EASTERN SAMAR REP

EVARDONE

KAMARA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with