^

Bansa

3 Pinoy huli sa droga sa China!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong Pinoy ang nahaharap sa kasong drug trafficking dahil sa pagpupuslit ng droga sa China.

Sa report ng Philippine Consulate General sa Guangzhou, hindi pina­ngalanan ang tatlong Pinoy na sinasabing sangkot sa dalawang kaso ng drug trafficking.

Isang “white paper” ang ipinalabas ng Guangzhou Intermediate People’s Court na nagpapakita ng pagtaas ng bilang ng mga dayuhan sa China na nasasangkot sa drug trafficking.

Binanggit sa white paper ang mga dayuhan na sangkot sa droga ay mula sa Africa, Southeast Asia kabilang na ang Pilipinas at Europe kung saan ginagamit ang lungsod ng Guangzhou na bagsakan, pagawaan, bentahan at puslitan ng droga.

Bukod sa Guangzhou, tumaas din ang drug trafficking sa Guangdong province, Hunan province at Xingjiang Uyghur Autonomous Region.

Pinapayuhan ng Konsulado ang mga Pinoy na naninirahan, nagtatrabaho at nagbabakasyon sa China na mag-ingat sa pagtanggap ng mga packages o bagahe na idedeliver sa Pilipinas o sa iba pang destinasyon.

Sa tala, may 95 Pinoy na ang hinatulan ng korte sa China at kasalukuyang nakakulong sa iba’t ibang piitan doon dahil sa drug smuggling at nasentensyahan ng bitay na may 2-taong reprieve, may fixed-term imprisonment at life imprisonment.

Noong Marso 2011,  tatlong Pinoy na sina Ramon Credo, 42, Sally Villanueva, 33 at Elizabeth Batain, 38, ang nabigong masagip ng pamahalaan matapos magkakasabay na binitay sa pamamagitan ng lethal injection dahil sa pagpupuslit ng kilo-kilong heroin sa China.

ELIZABETH BATAIN

GUANGZHOU

GUANGZHOU INTERMEDIATE PEOPLE

NOONG MARSO

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

PILIPINAS

PINOY

RAMON CREDO

SALLY VILLANUEVA

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with