MANILA, Philippines – Nais ng militanteng grupong Bayan na tuluyang managot sina Pangulong Benigno Aquino III at Budget Secretary Butch Abad dahil sa pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ito ang naging reaksyon ng grupo matapos ideklara ng Korte Suprema na hindi naaayon sa Saligang Batas ang DAP.
Isa ang Bayan sa siyam na nagpetisyon sa mataas na hukuman na kumukuwestiyon sa legalidad ng naturang programa ng administrasyon.
Kaugnay na balita: Ilang probisyon ng DAP, unconstitutional – SC
"As petitioners, we are happy with the declaration of programs and issuances under DAP, including DBM Circular 541 as unconstitutional. It is a blow to presidential lump sum and discretionary spending or presidential pork under Aquino," pahayag ni Bayan secretary-general Reato Reyes Jr.
"The big challenge now is accountability. We will pursue this for sure. Aquino and Abad should be answerable to the people. Billions were spent as presidential pork used to influence Congress. Something illegal was committed. Someone must be held to account. We're referring to you, Mr. President. All legal options are on the table," dagdag niya.
Naging unanimous ang botohan ng 13 mahistrado na nagsabing hindi naaayon sa Saligang Batas ang DAP.
Nag-inhibit naman sa botohan si Justice Teresita Leonardo-De Castro sa hindi pa malamang dahilan.