^

Bansa

Dahil sa pag-aadik, Nora 'di kinilalang nat'l artist – PNoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaliwanag na ni Pangulong Benigno Aquino III kung bakit tinaggal sa listahan ng national artist si superstar Nora Aunor.

Sinabi ni Aquino na ang drug case ni Aunor sa Amerika ang naging dahilan kaya niya tinanggal ang beteranang aktres sa listahan.

Aniya na dapat ay maging role model ang sinumang kikilalaning national artist.

"Ang naging problema ko lang doon, alam naman nating lahat, na-convict po siya sa drugs. Na-convict at naparusahan. Ang tanong ngayon dito, kapag ginawa ba nating National Artist, may mensahe ba akong maliwanag na sinasabi sa sambayanan?" pahayag ni Aquino.

"Ayaw kong magkaroon ng mensahe na kung minsan ay pwede yung ilegal na droga or acceptable. Dapat yung mensahe, it is always bad and illegal drugs do nobody any good," dagdag niya.

Sinabi pa ni Aquino na kung hinayaan niyang maging national artist si Aunor ay marami ang kukuwestiyon sa kanyang desisyon.

Sa kabila nito ay kinikilala pa rin naman ng Pangulo ang naiambag ng artista sa industriya ng pelikula sa bansa.

"Ginagalang ko siya, kinikilala ko yung kanyang trabaho at mga obra, pero ang problema ko, mukhang mas mataas ang prayoridad na maliwanang na mensahe, yung droga, zero-tolerance tayo dito at mali all the time.”

Nauna nang sinabi ng action star na si Robin Padilla na hindi dapat ito maging batayan sa pagkilala sa isang indibidwal.

“Hindi naman canonization ito. Hindi natin siya gusto gawing santo. Hindi siya national saint,” sabi ni Padilla.

Nitong nakaraang buwan ay kinilala ng Palasyo ang anim na Pilipino bilang National Artist at ito ay sina: Alice Reyes para sa sayaw, Francisco Coching (posthumous) para sa visual arts, Cirilo Bautista sa literatura, Francisco Feliciano at Ramon Santos sa musika at Jose Maria Zaragoza sa arkitektura, design at allied arts.

ALICE REYES

AQUINO

AUNOR

CIRILO BAUTISTA

FRANCISCO COCHING

FRANCISCO FELICIANO

JOSE MARIA ZARAGOZA

NATIONAL ARTIST

NORA AUNOR

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with