^

Bansa

BI officer natakasan ng inarestong foreigner

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Vietnamese na­tional ang nakatakas mula sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) habang binabantayan ito sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Atty. Elaine Tan, tagapagsalita ng BI, iniutos na ni Immigration Commissioner Atty. Siegfred Mison ang paghahanap sa dayuhang si Phan Tan Loc matapos makawala sa mga nagbabantay noong Sabado ng umaga sa NAIA Terminal 3.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon kung may nangyaring ano­malya sa pagitan ng nasabing dayuhan at ng hindi pinangalanang mga immigration officers na posibleng maharap sa kasong administratibo sakaling mapatunayang nagpabaya sa tungkulin.

Sinabi ni Tan na pini­gilang makapasok sa bansa si Phan matapos mabigo itong ibigay ang detalye kung saan ito mananatili sa bansa at nagsinungaling na may kasintahan itong Pinay. Nakakapagtakang nakalusot  ito sa mahigpit na security checks ng mga immigration officers.

Kasalukuyang na­kikipag-ugnayan na umano ang BI sa mga airline company at sa Vietnamese Embassy upang mahanap ang nasabing dayuhan. (Doris Franche-Borja)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DORIS FRANCHE-BORJA

ELAINE TAN

IMMIGRATION COMMISSIONER ATTY

ISANG VIETNAMESE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHAN TAN LOC

SIEGFRED MISON

VIETNAMESE EMBASSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with