^

Bansa

DAR pinaiimbestigahan sa pagtatapos ng CARPer law

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng grupo ng mga magsasaka sa pangunguna ng  Save Agrarian Reform Alliance (SARA) ang naging performance ng  Department of Agra­rian Reform (DAR) hinggil sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para sa pamamahagi ng lupa at iba pang mga programa ng ahensiya na inilaan ng gobyerno sa mga magsasaka nationwide.

“DAR’s reports remain questionable, and are padded. We need an independent evaluation of DAR’s and other CARP implementing agencies’ past and pre­sent performance to determine the state of agrarian reform in the country,” pahayag ni Trinidad Domingo, spokesperson ng grupong SARA.

Kinuwestyon din ng naturang grupo kung nasaan ang mga lupain na kailangan pang ipamahagi sa mga magsasaka at anu ang nangyari sa mga magsasaka na nabiyayaan ng lupa sa ilalim ng CARP.

Binigyang diin ni Domingo na sa ilalim ng extended CARP, bumagal pa ang pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka at hindi naipag­laban ng ahensiya ang mga karapatan ng mga magsasaka mula sa mga makapangyarihang mga landlords.

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga magsasaka sa pagtatapos ng CARPer Law kahapon at nagdaos ng rally sa Mendiola dahil bigo ang gobyernong Aquino na ipatupad ang tunay na repormang agraryo.

Samantala, sinabi ng Palasyo na kahit nagtapos na ang CARPer Law ay patuloy pa din ang pamamahagi ng lupa ng DAR sa mga magsasaka.(Angie dela Cruz/Rudy Andal)

ANGIE

AQUINO

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DEPARTMENT OF AGRA

MAGSASAKA

RUDY ANDAL

SAVE AGRARIAN REFORM ALLIANCE

TRINIDAD DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with