Jinggoy 'di nag plea sa Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Tumangging magpasok ng plea si Senador Jinggoy Estrada para sa kinakaharap na kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.
Sa halip ay ang 5th division ng Sandiganbayan ang naghain ng not guilty plea para sa senador na nahaharap sa pandarambong at 11 counts ng graft.
Idinahilan ni Estrada ang kanyang nakabinbing petisyon sa Korte Suprema sa hindi niya paghain ng plea.
Samantala, not guilty naman ang hirit ng itinuturong utak sa likod ng pork scam na si Janet Lim-Napoles.
Hanggang ngayon naman ay nagtatago pa rin ang iba pang akusado na sina Paulene Labayen at John Raymund de Asis.
Nakakulong si Estrada sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame,Quezon City, kung saan nakapiit din si Senador Ramon Revilla Jr.
- Latest