MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ngayon ng Liquified Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) kung magbababa o magtataas sila ng presyo ng cooking gas ngayong darating na linggo.
Sinabi kahapon ni LPGMA Rep. Arnel Ty, kanila pang pinag-aaralan kung magpapataw o magbabawas sila ng presyo ng cooking gas na ang halaga ay nasa P.050.
Matapos tumaas ang pamasahe sa jeep ng 50 sentimo, gayundin ang produktong petrolyo at ilang pangunahing bilihin, nagbabadya rin ng pagbabago sa presyo ng LPG.
Ang paggalaw ng presyo ay depende anya sa magiging presyuhan nito sa world market.
Huling nagpatupad ng price hike sa LPG nitong unang linggo ng Hunyo sa halagang piso.