^

Bansa

PNoy nagpaabot ng mensahe sa Ramadan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahatid kahapon ng pagbati si Pangulong Aquino sa mga Muslim Filipino community sa bansa sa pagsisimula ng holy month of Ramadan.

Ayon sa Pangulo, ang Ramadan ay sagradong pagkakataon para magtika at sumamba.

“My warmest greetings to the Muslim Filipino community as you celebrate the start of the Fasting Month of Ramadan and 29th Day of Sha’aban 1435H,” anang Pangulo sa mensaheng binasa ni Presidential spokesman Edwin Lacierda sa dzRB Radyo ng Bayan.

Isa rin aniya itong oportunidad para sa Muslim community na magpakita ng disiplina, self-control at compassion, ang mga ugaling nakaloob sa tenets ng Islam.

Umasa umano ang Pangulo na mas lalakas pa ang pananampalataya ng mga Muslim sa pamamagitan ng Ramadan at mas lalalim ang kanilang commitment  para sa pag-unlad at pag-asenso.

Umaasa rin aniya ang Pangulo na ang mga turo sa Holy Qu’ran ay magsisilbing gabay para sa gagawing fasting at prayer ng mga Muslim.

Ang Ramadan ang ika-siyam na buwan sa Islamic calendar kung saan ang lahat ng mga Muslim sa buong mundo ay nagpa-fasting.

 

ANG RAMADAN

AYON

BAYAN

DAY OF SHA

EDWIN LACIERDA

FASTING MONTH OF RAMADAN

HOLY QU

MUSLIM FILIPINO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with