Mas malakas na lindol paghandaan
MANILA, Philippines - Kasunod ng naganap na lindol kamakalawa ng gabi sa ilang bahagi ng Luzon na naramdaman din sa Metro Manila, muÂling iginiit ni Sen. Loren Legarda na dapat paigtingin pa ng gobyerno ang earthquake preparedness dahil posibleng maganap na naman ito ng walang warning o senyales.
Ayon kay Legarda, maraming mamamayan ang nakaramdam ng lindol kamakalawa ng gabi at dapat lamang na pagÂhandaan ang posibleng pagtama ng nasa 7.2 magnitude na lindol.
Nilinaw ni Legarda na hindi isang pananakot ang posibilidad na magkaroon ng mas malakas na lindol lalo pa’t sinasabing ‘hinog’ na ang tinatawag na Marikina valley fault line.
“Many citizens even in Metro Manila felt the strength of the earthquake yesterday. We do not want to sow fear among our citizens but we have to constantly remind everyone to prepare for earthquakes because we cannot predict when they will occur. We should at least be ready for a 7.2 magnitude earthquake,†ani Legarda.
Ipinaalala rin ni Legarda ang 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) kung saan nagbabala na 7.2 magnitude earthquake ang posibleng maganap sa Metro Manila.
Tinatayang aabot umano sa 40% ng mga residential buildings ang posibleng masira at nasa 34,000 ang mamatay bukod pa sa 114,000 mamamayan ang poÂsibleng masugatan.
Ngayon pa lang anya ay dapat ng magsagawa ng “retrofitting†ng mga gusali at regular safety drills.
- Latest