^

Bansa

‘Contaminated heparin’ sanhi ng panginginig ng mga pasyente sa NKTI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natukoy na ng Food and Drug Administration na ang ‘contaminated heparin’ ang sinasabing sanhi ng panginginig ng may 44 pasyente sa National Kidney and Transplant Institute noong Mayo.

Ang Heparin ay isang sodium solution na ginagamit sa dialysis machines upang mapigilan ang blood clots sa mga pasyente na sumasailim sa dialysis.

Bagama’t tumanggi si Health Sec. Enrique Ona na ibunyag ang pangalan ng manufacturer at distributor ng gamot dahil sa  isinasagawang imbestigasyon, tiniyak ng kalihim na parurusahan din ang  manufacturer at distributor. Sinabi rin ni Ona na wala naman nang kaso ng panginginig ng mga pasyente nang muling buksan ang NKTI’s outpatient hemodialysis unit noong Hunyo 9. 

Matatandaan na isinara ang NKTI’s out-patient Hemodialysis Center noong Mayo nang makaranas ng panginginig ng sabay-sabay ang 44 pasyente.

Pinabawi na rin ng FDA sa merkado ang Heparin Sodium 1000 IU/ml solution for injection, na galing sa India at gamot sa blood clot.

Hindi muna ito papayagang makapasok sa bansa hangga’t hindi inaalis ng FDA at Pharma-Surey International Inc, ang quality  hold.

ANG HEPARIN

DRUG ADMINISTRATION

ENRIQUE ONA

HEALTH SEC

HEMODIALYSIS CENTER

HEPARIN SODIUM

NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE

PHARMA-SUREY INTERNATIONAL INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with