MANILA, Philippines - Tinutulan kahapon ni Senate Majority Floor Leader Alan Peter CayeÂtano ang posibilidad na isailalim sa house arrest si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa sandaling magpalabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan.
Ayon kay Cayetano, maaring ikonsidera ang kalusugan at edad ni Enrile kung saan siya dapat ikulong pero hindi ito dapat ilagay sa kanyang sariling tahanan at sa halip ay dapat sa hospital arrest.
Naniniwala si CayeÂtano na maituturing na special treatment kung sa sariling bahay ikukulong ang senador na nahaharap sa kasong graft at plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.
Pero idinagdag ni CaÂyetano na hindi lamang naman ang mga nakakulong na senador ang dapat binibigyan ng makataong pagtrato kung hindi maging ang mga nakakulong sa mga ordinaryong bilangguan.
“My point is to emphasize that this should also be the case for other senior citizen detainees… pero pati naman sa mga nakakulong sa Manila City Jail sa Taguig City Jail sa Bilibid they should also be given humane treatment din naman hindi dapat dito lang sa VIP detainees,†ani Cayetano.
Naniniwala ang senador na bagaman at nagbigay ng pahayag si Pangulong Aquino na dapat ikonsidera ang kalusugan at edad ni Enrile, hindi naman maaring impluwensiyahan ng sinuman ang korte.
Dapat umanong ipaÂubaya sa korte kung saan dapat ilagay si Enrile.