^

Bansa

House arrest kay Enrile kinontra

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutulan kahapon ni Senate Majority Floor Leader Alan Peter Caye­tano ang posibilidad na isailalim sa house arrest si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa sandaling magpalabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan.

Ayon kay Cayetano, maaring ikonsidera ang kalusugan at edad ni Enrile kung saan siya dapat ikulong pero hindi ito dapat ilagay sa kanyang sariling tahanan at sa halip ay dapat sa hospital arrest.

Naniniwala si Caye­tano na maituturing na special treatment kung sa sariling bahay ikukulong ang senador na nahaharap sa kasong graft at plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.

Pero idinagdag ni Ca­yetano na hindi lamang naman ang mga nakakulong na senador ang dapat binibigyan ng makataong pagtrato kung hindi maging ang mga nakakulong sa mga ordinaryong bilangguan.

“My point is to emphasize that this should also be the case for other senior citizen detainees… pero pati naman sa mga nakakulong sa Manila City Jail sa Taguig City Jail sa Bilibid they should also be given humane treatment din naman hindi dapat dito lang sa VIP detainees,” ani Cayetano.

Naniniwala ang senador na bagaman at nagbigay ng pahayag si Pangulong Aquino na dapat ikonsidera ang kalusugan at edad ni Enrile, hindi naman maaring impluwensiyahan ng sinuman ang korte.

Dapat umanong ipa­ubaya sa korte kung saan dapat ilagay si Enrile.

 

CAYETANO

DAPAT

ENRILE

MANILA CITY JAIL

NANINIWALA

PANGULONG AQUINO

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER ALAN PETER CAYE

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

TAGUIG CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with