Basey, Samar – Ang pinakabagong pasyalan

MANILA, Philippines - Naglunsad ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI), sa pamamagitan ng prog­ramang Bantay Kalikasan, ng isang proyektong nag­lalayong pangalagaan at patanyagin ang kagandahan ng kweba ng Sohoton at Balintak Falls sa Basey, Samar – isa sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Yolanda noong taong 2013.

Ang kweba ng Sohoton ay matatagpuan sa Brgy. Inuntan at ang Ba­lintak Falls naman ay sa Brgy. Rawis. Ang mga ito ay itinalagang protected area ng Samar Island Natural Park – Protected Area Management Board (SINP-PAMB). Layon ng ALKFI na ipakilala ang mga lugar na ito sa mga turista at maglunsad ng mga livelihood programs para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, bukod sa pagbibigay ng mga relief goods.

Sa loob ng kweba ng Sohoton ay ang mga kakaibang rock formations. Ang lokal na pamahalaan ng Basey, sa pamumuno ni Mayor Igmedio Ponferrada, ay tutulong sa pagpapaganda ng mga protected areas na ito. Magbibigay din ang ALKFI ng isang patrol boat at magsasagawa ng training upang hasain ang mga magbabantay ng karagatan sa pangangalaga ng marine biodiversity at maprotektahan ito sa dynamite fishing.

Ang kilusang ito ay isa lamang sa proyekto ng Bantay Kalikasan – Green Initiative na nag­lalayong pangalagaan at pagyamanin ang kalikasan habang pinauunlad ang pamumuhay ng mga mamamayang naninirahan dito. Para sa karag­dagang impormasyon tumawag sa 4152272 local 4551 or bistahin ang www.abs-cbnfoundation.com/bk.

Show comments