MANILA, Philippines - Idineklara ng alyansa ng iba’t ibang grupo ng Simbahang Katoliko ang ika-25 ng Hunyo, bilang National Day of Prayer and Vigilance laban sa pork barrel at Disbursement Acceleration Program (DAP).
Kaugnay nito, naÂnaÂwagan ang Church People’s Alliance Against Pork Barrel Scam o CPAPB sa publiko na makiisa sa pagtitipon na gagawin sa Plaza Miranda, ngayong alas 4:30 ng hapon.
Ayon kay Nardy SaÂbino, tagapagsalita ng alyansa, tampok sa pagtitipon ang pagdarasal para sa tuluyang pagbuwag sa lahat ng uri ng pork barrel kabilang na ang kontrobersyal na DAP na itinuturing na President’s pork.
Umaasa umano sila na gaya ng desisyon sa PDAF, idedeklara rin ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP na umano’y ginamit na pansuhol sa mga mambabatas para mapatalsik sa pwesto si dating Chief Justice Renato Corona.
Gaya ng mga nanlustay sa PDAF, dapat din umanong mapanagot ang nasa likod ng DAP.
Patuloy umanong maÂnanawagan para sa katarungan ang kanilang grupo hanggang sa tuluyang mapanagot ang lahat ng mga sangkot sa paglustay sa kaban ng bayan.
Sinabi pa ni Sabino na magpupulong ang iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang sektor at religous denominations para sa ikakasang People’s Congress sa Agosto.