MANILA, Philippines - Muling iginiit kahapon ni Senate Majority Leader Alan na dapat payagan ng Supreme Court ang pagsasagawa ng live media coverage para sa pork trial kung saan isasalang sina Senators Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Cayetano, mahalaga ang pagkakaroon ng transparency sa pagsasagawa ng trial at mangyayari lamang ito kung magiging bukas sa media ang hearing.
Kung magkakaroon aniya ng live coverage, makikita kung talagang may mga mabibigat na ebidensiya laban sa mga nasasakdal.
Mawawala rin aniya ang iba’t ibang ispikulasyon tungkol sa kaso kung magkakaroon ng live coverage.
“Privilege naman nila Sen. Jinggoy at Revilla na ipakita ang kalagayan nila doon. But we have to re-focus it and re-balance it. That is why muli kong pinapahayag ang aking request sa Supreme Court na utusan ang Sandiganbayan na maging open sa media ang hearing. Kasi katulad ngayon, ang sinasabing issue ay sino ba dapat ang kasuhan at sino ang hindi,†ani Cayetano.