Mapagsamantalang rice trader kakasuhan

MANILA, Philippines - Siniguro ni Food Czar Sec. Kiko Pangilinan na kakasuhan nila at masusing babantayan ang mga negosyanteng magsasamantala at magtataas ng presyo ng bigas at iba pang agricultural products.

Tiniyak din ni Sec. Pangilinan na magkakaroon ng sapat na supply ng NFA rice sa mga pamilihan upang may mabiling murang bigas ang taumbayan kumpara sa commercial rice.

Pinangunahan din ni Sec.  Pangilinan ang pagkain ng sinaing na NFA rice upang ipakita sa publiko na maayos ang NFA rice kumpara sa mga batikos na hindi ito puwedeng kainin ng publiko dahil sa masamang amoy o hindi magandang isaing.

Iginiit pa ni Sec. Pangilinan, dapat isumbong sa kanyang tanggapan ng publiko ang sinumang magsasamantala at magtataas ng preyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang mga hoarders ng bawang, luya, sibuyas at iba pang agri products.

 

Show comments