MANILA, Philippines - Naninindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na hindi dapat bigyan ng “VIP†treatment sina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng 10-bilyong pisong pork barrel scam.
Nauunawaan ni CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Rudy Diamante na kailangang ibigay ng gobyerno ang basic na pangangailangan nina Sens. Revilla at Estrada sa kulungan tulad ng tulugan at access para makapag-communicate sa kanilang mga abogado at pamilya.
Sinabi ni Diamante na dapat ay ihiwalay ng detention cell nina Senador Revilla at Estrada dahil mga high security risk umano ang mga ito.
Itinuturing ni Diamante na VIP treatment na ang pag-provide ng aircooler at refrigerator kina Senador Revilla at Estrada.
Inamin ni Diamante na nagkakaroon ng VIP treatment sa mga high profile na bilanggo dahil umaabot sa 200-percent sa kasalukuyan ang sobrang pagsisiksikan sa mga bilangguan na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan.
Umaasa si Diamante na magiging “eye opener†ang pagkakakulong nina Sen. Estrada at Revilla sa hindi maayos na treatment sa mga detention prisoner lalo na sa mga karaniwang bilanggo tulad ng P50 na food allowance, kawalan ng medical facility sa mga nagkakasakit na bilanggo, kakulangan ng mga jail officers, kakulangan ng seguridad sa mga bilanggo at sobrang siksikan sa mga piitan.