MANILA, Philippines - Sumuko na rin si Sen. Jinggoy Estrada makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa kanya kaugnay ng kasong plunder dahil sa pagkakadawit sa P10 bilyong pork barrel scam.
Kasama ni Jinggoy sa kanyang pagsuko sa Philippine National Police sa Camp Crame ang kanyang mga magulang na sina dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap†Estrada at dating Senadora Loi Ejercito-Estrada, asawang si Precy, apat na anak, mga staff sa Senado, ilang kamag-anak, kaibigan at supporters kabilang na ang actor na si Bobby Andrew.
Bandang alas-12:10 ng tanghali ng dumating ang kulay puting coaster na sinasakyan ni Jinggoy kasunod ang convoy ng iba pang behikulo sa Camp Crame.
Ang pagsuko ni Jinggoy ay bunsod ng warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanya ng 5th Division ng Sandiganbayan matapos namang ibasura ang apela nito na idismis ang kaso dahil umano sa kawalan ng merito.
Agad kinunan ng mugshot, finger printing, physical at medical examination si Jinggoy sa PNP-Multi Purpose Center, ang veÂnue kung saan isinailalim rin sa nasabing proseso si Senador Ramon “Bong†Revilla Jr. na sumuko naman noong Biyernes ng nakalipas na linggo.
“He is in good condition, quiet lang siya, mabilis lang ang booking procedure it took only 15 minutesâ€, ayon kay PNP spokesman Theodore Sindac.
Sinabi ni Sindac, ang pulse rate ng Senador ay 76 beats per minute, respiratory rate 19 at ang body temperature ay 36.3.
Ayon pa kay Sindac, relax lang si Jinggoy ng isailalim sa booking procedure at walang anumang sugat o pasa na nakita sa katawan nito.
Ipinag-utos din kahapon ng Sandiganbayan na ikulong si Sen. Jinggoy sa Camp Crame Custodial Center kasama ng kanyang kosa na si Sen. Bong Revilla.
Ang hakbang ay nakasaad sa isang commitment order na naipalabas ng Sandiganbayan matapos na iutos ng graft court na hulihin na rin si Estrada kaugnay ng kasong graft at plunder na naisampa sa mga ito ng tanggapan ng Ombudsman.
Isang araw bago suÂmuko si Jinggoy ay nagdaos na ito ng silver wedding anniversary sa kaniyang misis na si Precy sa bahay ng kaniyang ama sa San Juan City kasama ang apat na anak na sina Jolo, Janella, Julian at Jill gayundin ang malalapit na kaibigan.
Sa kasalukuyan, ayon kay Sindac ay magkasama na sina Sen. JInggoy at Sen. Bong sa PNP Custodial Center. Sinasabing masaya naman si Sen. Bong nang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na kanyang makakasama sa kulungan.
Samantala, binilinan ni Sen. Jinggoy ang kanyang mga anak na huwag mahiya bagaman siya ay nakakulong dahil inosente siya sa kasong katiwalian at plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.
Sinabi pa ni Jinggoy sa kanyang mga anak bago ito sumuko sa Camp Crame na “itaas n’yo pa rin ang noo n’yo dahil wala akong kasalananâ€.