Jinggoy muling ikinasal bago makulong

Pamilya ni Senador Jinggoy Estrada. File photo

MANILA, Philippines – Dahil baka wala nang pagkakataon na maipagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng kasal, muling nagpalitan ng sumpaan si Senador Jinggoy Estrada at asawang si Precy sa kanilang bahay sa San Juan City kagabi.

Naging simple lamang ang seremonya kung saan naka simpleng damit lamang ang mag-asawang, habang may suot na belo si Percy.

"I am so happy, it was a surprise sprung by our children. Naiyak nga ako eh," wika ni Estrada na nahaharap sa kasong plunder at graft na isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Kaugnay na balita: Pag-aresto kay Jinggoy iniutos ng Sandiganbayan

"There was no grand celebration. It's just simple, it's private. My wife just wore a veil over her casual clothes," dagdag niya.

Nagsilbing wedding sponsors si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada at asawang si Dra. Loi Ejercito, habang si Fr. Fajardo ang nanguna sa seremonya.

Sa Hunyo 28 pa ang mismong anibersaryo ng kasal ng mag-asawang may apat na anak ngunit ipinagdiwang na nila ito kahapon dahil anumang araw ay inaasahan nilang ilalabas na ng anti-graft court ang arrest warrant laban sa kanya.

Naglabas na ngayong Lunes ang Sandiganbayan ng resolusyon para sa pagbalangkas ng arrest warrant ni Estrada.

Nauna nang nakulong nitong Biyernes ang kanyang kasamahang si Senador Bong Revilla Jr., habang wala pang aksyon ng Sandiganbayan kay Senador Juan Ponce Enrile.
 

Show comments