504,000 volunteers sasabak sa anti-criminality campaign
MANILA, Philippines - Umaabot sa 504,000 volunteers ang nakiisa na rin sa pamahalaan at mga awtoridad upang tumulong sa anti-criminality campaign sa buong bansa
Ito ang inihayag kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas matapos bumuo ng resolusyon ang Liga ng mga Barangay upang sumuporta sa Brgy. Peacekeeping Action Team (BPAT) ng kaniyang departamento.
Ang karagdagang mga volunteers kontra kriminalidad ay bunga ng paglobo ng krimen.
Nanawagan naman ang kalihim sa mga Local Chief Executives partikular na sa mga brgy. chairman, mayor at gobernador upang sumuporta sa crime prevention program.
Sinabi ni Roxas na mahalaga ang pagkakaisa upang mapabilis ang pagsawata laban sa kriminalidad na sumisira sa peace and order.
Kaugnay ito, inatasan rin ni Roxas ang Philippine National Police na palakasin pa ang crime prevention sa pamamagitan ng pagdedeploy ng mas marami pang mga pulis na magpapatrulya sa mga komunidad.
Idinagdag pa nito na epektibo ang pakikiisa ng komunidad para makamtan ang zero crime rate na inihalimbawa ang isang insidente ng tagumpay ng BPAT sa Brgy. Sta Rita sa Olongapo City.
“Kailangan namin ang tulong ninyo para masugpo ang mga krimen,†sabi pa ng Kalihim.
- Latest