MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na dalawa sa 53 akusado sa pork barrel scam ang nakalabas na ng bansa.
Sa huling pag-check ng BI, sina Antonio Ortiz at Renato Ornopia ay nakaalis ng bansa bago pa man maipalabas ang Hold Departure Order (HDO) base sa travel records ng dalawa na nakuha sa database ng bureau.
Kasalukuyan namang bineberipika pa ang travel records ng 53 suspek dahil hindi pa rin aniya pinal kung ang mga pinangalanang respondent sa HDO ay iisa o ibang tao. Aniya, problema sa beripikasyon ng travel records ay ang kawalan ng petsa ng kapanganakan, middle name, o gumagamit ng ibang pangalan sa pasaporte.
Inihalimbawa ng BI ang pangalan ni Estrada kung saan sa passport nito ay nakatala ang “Jinggoy Ejercito Estrada†habang sa HDO ay “Jose Ejercito Estrada. Ito aniya ang dahilan kung bakit ilan sa mga akusado ang walang travel records.
Sa 53 akusado, 21 ang nasa Pilipinas kabilang na rito sina Estrada, Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, Janet Lim Napoles, (mga anak ni Napoles na sina Jo Christine at James Christopher), Dennis Cunanan at Mario Relampagos.