Tao ni Bong Revilla sumuko rin

MANILA, Philippines – Kusang sumuko na ang chief political staff ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., matapos ilabas ng Sandiganbayan ang arrest warrant ngayong Biyernes kaugnay ng pork barrel scam.

Kasama ni Atty. Richard Cambe ang kanyang legal counsel na si Michael Ancheta na dumating sa Sherrif's Office bandang 1:30 ng hapon para sa processing kung saan kinukuha ang mugshot at fingerprint.

Samantala, naghain si Ancheta ng mosyon sa First Division ng anti-graft court para ikulong si Cambe sa Philippine National Police's Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Aniya pinangangambahan nila ang seguridad ni Cambe.

Inilabas ng Sandiganbayan ang arrest warrant laban kay Revilla at 31 iba pa kung saan kasama ang pangalan ni Cambe.

Show comments