Enrile, Revilla et al, may HDO na rin

MANILA, Philippines - Nagpalabas na rin ng hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan 3rd Division laban kina Sen. Juan Ponce Enrile, Atty. Gigi Reyes, Janet Lim Napoles at iba pang akusado sa plunder at graft case na isinampa sa kanila kaugnay sa pork barrel scam.

Ayon sa clerk of court ng 3rd Division, 19 ang inilabas na HDO laban sa 47 akusado sa mga kaso.

Nagpalabas din ang Sandiganbayan 1st Division ng HDO kay Sen. Bong Revilla, tauhan nitong si Richard Cambe, Ronald John Lim at John Raymund de Asis.

Kasama din sa HDO sina Budget Undersecretary Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan ng TRC, Francisco Figura, Ma. Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover at iba pang sangkot sa naturang kaso.

Nitong Lunes ay unang nagpalabas ang Sandiganbayan 5th Division ng HDO laban kay Sen. Jinggoy Estrada at 12 iba pa. 

Bunga nito, ang mga nabanggit ay hindi maaaring makalabas ng bansa kung walang pahintulot ng korte.

Show comments