MANILA, Philippines – Naglabas na rin ang Sandiganbayan ng hold departure order (HDO) laban kay Senador Juan Ponce Enrile kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder at graft dahil sa pork barrel scam.
Si Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ng Third Division ang naglabas ng kautusan laban kay Enrile at sa kanyang dating chief-of-staff na si Atty. Jessica Lucila “Gigi†Reyes.
Damay din sa HDO ang itinuturong mastermind ng pork scam na si Janet Lim-Napoles, Ronald John Lim at John Raymund de Asis.
Kaugnay na balita: Hold departure order vs Bong Revilla
Kaninang umaga ay naglabas na rin ang First Division ng HDO laban kay Senador Ramon “Bong†Revilla Jr., habang nauna na kahapon naglabas ang fifth division ng HDO para kay Senador Jinggoy Estrada.
Ang Office of the Ombudsman ang nagsampa ng kaso laban kina Estrada, Revilla, at Enrile sa anti-graft court.
Sinasabing kumubra si Revilla ng P244.51 milyon, habang nakakuha sina Estrada at Enrile ng P183.79 milyon at P172.83 milyon sa paglalagak ng kanilang Priority Development Assistance Fund sa mga pekeng non-government organization ni Napoles.
Kaugnay na balita: Sandiganbayan: Jinggoy bawal nang lumabas ng bansa /a>