Sapat ang ebidensiya vs 3rd batch sa ‘pork scam’ tiniyak
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Justice Sec. Leila de Lima na sapat ang kanilang hawak na ebidensiya laban sa ikatlong batch ng mga mambabatas na sangkot sa pork scam.
Bagama’t hindi pa kinukumpirma ni De Lima, kabilang daw sa kakasuhan ngayong linggo sina Sen. Gringo Honasan na malapit kay Sen. Juan Ponce-Enrile, ilang incumbent at dating kongresista gaya ni TESDA director-general Joel Villanueva, Victor at Manuel Ortega ng La Union first district, Amado Bagatsing, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at ilan pang taga-oposisyon.
Sinabi ni De Lima na hindi sila nagsasampa ng kasong mahihina at walang sapat na katibayan o ebidensya.
Ayon kay De Lima, hindi rin nila tinitingnan kung administrasyon o taga-oposisyon ang mga iniimbestigahan.
Sa ikatlong batch, tanging si Villanueva ang miyembro ng administrasyon habang sa ikalawang batch ay tanging si dating Customs Commissioner Ruffy Biazon.
- Latest